Friday, March 20, 2015

Siya nga yon!
Oo siya yon!

   Siya yung tipo nng tao na kung titignan mo lamang ay nakakatakot, seryoso at mukhang napaka Istikto. Tingin pa lamang niya madali na kaming nakakaramdam kaya bihira lamang siyang sumigaw sa amin. Gusto mo siyang makilala? Halika! Kilalanin natin siya.

   May parating, Andiyan na siya! Rinig ko na ang mga yapak niya. "Andiyan na si Ma'am!" sigaw ng aming kaklase lahat ay kanya kanyang punta sa kanilang mga tamang pwesto dahil kung wala ka sa upuan mo, panigurado, Absent ka sa klase niya! 

   Nagsimula na siyang magturo at lahat kami ay nakatuon ang atensyon sakanya. Hawak man niya ang aming mga takdang aralin at di man siya nakatingin sa amin ay di kami gumagawa ng mga bagay na ikakagalit niya. Ganon kami katakot sakanya. Pero di mawawala sa aming klase ang saya lalo na kung lahat kami ay nakakarelate sa kanayang tinatalakay. Kaya niyang makisabay sa amin, at alam niya ang gusto namin.  Masayang nakakatakot sa kaniyang klase pero bago magtapos ang aming klase ay sigurado kaming may natutunan kami sakanyang klase. 

   Napakaswerte kong estudyante dahil nakilala ko ang isang guro na bagamat nakakatakot man ay paniguradong matutuwa ka sakanya at matuto. At siya ay si Gng. Marvilyn Mixto. Bilang pagtatapos ng taong pamamalagi namin sa piling niya, Nais kong magpasalamat sa mga aral na tinuro niya amin at sa pagtitiyaga niya sa aming pangkat na makukulit pero mababait. Kahit di nanamin siya magiging guro sa mga susunod na taon ay kikilalanin parin namin siyang isang Magandang salamin ng kaalaman. :)
Buhay nga naman o !

Pangkat Antimony?
   Diba yun yung aming pangkat? di lang yan pangkat, Pamilya din yan!

   Unang araw ng pasukan, halos kabado kaming makilala ang aming mga guro sa bawat asignatura. Sa bawat oras na malalaman namin kung sino ang mga magiging guro namin ay may mga kwentong bumabagabag samin. Si ganto masungit yan! Nakakatakot yan!. Pero nang lumaon, o ano kayo? ano ulit yung mga kwento niyo? lahat ng mga yan ay nakalipas, Nagbago na sila. (Ahahahahahah!).

   Lahat ay abala, Tila nagmamadali dahil ilang minuto nalang ay darating na siya. "Parating na si Ma'am" yan ang salitang madalas marinig sa aming klase. Mabilis na galawan para maiwasang uminit ang ulo ng aming guro. Dahil nasa mataas kami na pangkat ay pinupursige naming maging Role Model ngunit may mga pagakakataong tila nawawala kami sa disiplina, dala na siguro ng sobrang kasiyahan. Pero kahit ganon mas lamang parin sa aming klase ang masasayang talakayan.

  "Breaktime na!" yan ang gusto ng aming sikmura! Natapat pa kasi ang oras ng aming pagkain sa oras na dapat ay tapos na kaming mananghalian. Pero kailangan naming magtiis at paunahin muna ang iba. Oras na ng kainan, Simula na ng pagsasama sama ng mga iba't ibang grupo sa 'ming klase. Ang mga may baong kanin ay iikot ang upuan para lamang makaharap sa ibang kumakaen, pagpapakita daw iyon ng respeto. Hala! Andiyan na sila! (yung mga malalakas mang buraot) Pero kahit ganon sila, kaklase parin namin sila. Kadalasan sila pa nga ang nagpapasimula ng kasiyahan ngunit may mga taong di talaga maiiwasan ang mainis pag nabuburautan sila.

   Balik nanaman sa talakayan, Huling dalawang asignatura nalang at uwian na! YES! ~yan ang sigaw ng aming mga damdamin. Kahit iniisip namin na malapit ng mag uwian ay pursigido parin kaming makinig sa aming guro upang matuto at di masayang ang araw, pagod at baon na binigay ng aming magulang.

   "Cleaners, Pwede na kayong maglinis" "At the count of three lahat ng nandito pa ay maglilinis din!" Hala sige, Lahat nagmamadali para lang di maubutan ng bilang. at pagkadating sa labas diyan na nagsisimula ang malawakang pagtitipon ng aming pangkat o ang 9-Antimony family. Aba!Aba! May dumidiskarte na. Aba!Aba! May mga kwento ng malalalim ang hugot. Kwentuhan doon! kwentuhan dito! yan kami. May mga kwentong malulungkot at masasaya at lahat kami ay handang makinig sa bawat isa.

 Masakit man isiping maaaring malipat na ng ibang pangkat ang iba naming kaklase ay kailangan naming tanggapin. Ngunit mas masaya parin kung kami kami padin hanggang sa huli :)
"K-12"
Masasabe ko lang......

   K-12 Minsan simpleng salita.
             Madalas nakakapanghinayang DAW!

   "Ay kawawa naman kayo, Matagal pa kayong magtitiis" yan ang kadalasang sinasabe noon ng mga nakakatanda sa aming mga inabutan ng gantong kurikulum. Pero ano nga ba ang kahalagahan ng Makabagong kurikulum na ipinatupad sa ating bansa? Paano ito makakatulong sa paglago ng mga edukadong tao at paano nito mapapababa ang bilang ng mga taong hindi nakakatapos? simple lang at ating alamin :)

   Nung una marami ang nanghihinayang dahil inaalala nila ang mas malaking gastusin sa taong pamamalage ng estudyante sa hayskul pero ang di nila alam isa itong malaking tulong sa aming mga mag aaral. Masasabe kong napakaganda ng kurikulum na ito dahil may mga araling natutunan namin ng mas maaga kaysa sa mga nauna ng mag aaral bagamat kulang kami sa mga babasahing aklat ay hindi kami natinag, ang sabe lang namin "Makabago na ngayon! Andiyan ang internet, maari ding manghanap ng ibang libro! Di nila tayo pababayaan" Pero sakabila ng salitang iyan ay may mga pagkakataon din kaming mga mag aaral ay naiinis. Ang sa akin lang naman sana bago nila ito ipatupad ay sinigurado nilang may mga bagong aklat sila na ilalabas ng sagayon hindi na kami nahihirapang maghanap ng mga araling aming tatalakayin.

  Malaking tulong din ang K-12 sa mga magulang at mag aaral na di na kayang tustusan ang gastusin pag dating ng kolehiyo. dahil base sa pagpapaliwanag ng mga nakaktaas, ang batang makatapos ng anim na taon sa hayskul o matapos ang Senior Highschool  makakatanggap ng sertipikong patunay na maari na silang makapasok sa ilang mga trabaho angkop sa kaalam nila samantala ang mga nais pang makapag kolehiyo ay maari namang ipagpatuloy ang kanilang pag aaral. O diba? Ang laking tulong nito sa atin? Di lang sa isang indibidwal kundi pati sa ating ekonomiya dahil uunte ang mga kabataang hirap sa paghanap ng trabaho sa kadahilanang di sila naka tutong ng kolehiyo.

 O ano? Nakakapanghinayang ba? o Isang bagong pag asa?

Sunday, March 15, 2015



Photo Credit: Alehxis Calpo


Ang Desisyon
Isinulat ni
John Mark B. Atendido

   Sa bayan ng San Diego may dalawang taong nag mamahalan, sino Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Mahal nila ang Isa't isa, magkalayo man sila ng napakahabang panahon ay hindi nawawala ang pagmamahalan nila. Sa likod ng kanilang tapat na pagmamahalan, isang malaking problema ang kanilang kinakaharap. Hidni gusto ng ama ni Maria Clara si Ibarra para sakanya dahil sa inggit at galit ni Padre Damaso sa Ama ni Ibarra na si Don Rafael. Ngunit kahit ganoon ay napagpasyahan nilang ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan. Nangako sila sa isa't isa na kahit anong mangyari ay sila parin ang magsasama. Isang araw ay napagdesisyunan ni Padre Damaso na ipagakasundo si Maria Clara kay Linares na ikasal upang patuloy na mailayo ang kanayang anak kay Ibarra. Hindi napigilan ni Maria Clara ang sakit na nadarama. Dahil sa bugso ng kanyang damdamin, Hindi siya sumang-ayon sa kagustuhan ng kanayang ama. Si Ibarra lamang ang gusto niyang pakasalan at mahal na mahal niya ito. Naisip ni Maria Clara na nasa tamang edad na siya para magdesisyon. Masakit man sakanyang kalooban na suwayin ang kanyang magulang ay ginawa padin niyang piliin si Ibarra dahil sa mahal na mahal niya ito at sa hindi magandang pamamalakad nito sakanya. Lumayo sila at Ikinasal sa malayong bayan at doon ay bumuo sila ng isang masaganang pamilya. Dahil sa nangyari, napagtanto ni Padre Damaso na dapat pala ay kinalimutan na niya ang alitan nila ni Don Rafael at hinayaan na lamang niya na magmahalan sina Maria CLara at Ibarra. Kapiling parin sana niya ang kanayang anak at ang kanayang mga magiging apo.

Friday, March 13, 2015

   Ngayong Linggo ay ginanap ang aming preliminary exam kung kaya't medyo naantala ang aming talakayan ng isang araw lamang. Nitong nakaraang miyerkules ay nag balik aral kami tungkol sa mga kabanatang may kaugnayan kay Sisa at Maria Clara at may sinagutan kaming ilang mga katanungan na siyang naging talakayan namin. Nag iwan ang aming Guro ng isang pangkatang gawain na ipprenisinta namin nitong nakaraang huwebes. Ang aming pangkat ay sinagot ang katanungang Sino si Maria Clara bilang Anak, Mangingibig at isang tao sa pamamagitan ng pagsasadula nito. Samantalang ang ibang grupo ay nagkaroon din ng presentasyon hanggang sa matapos ang oras ng aming klase. Bago magtapos ang aming talakayan noong huwebes ay nagbigay ulit ng isang pangkatang gawain ang aming guro kung saan ay ipapaliwanag namin kung paano malalaman ang tunay na pagmamahal gamit ang poster, slogan, tula at isang awit. At ssa huling araw ng linggong ito ay tinalakay namin ang tungkol sa pagmamahal. Naging malalim ang aming talakayan at sa huli nalaman namin na ang magulang natin ang siyang magmamahal sa atin sa kahit anong aspeto ng buhay.

Saturday, March 7, 2015

   Ngayong Linggo ay kinilala namin ang iba pang mahahalagang tauhan na sina Elias, Maria Clara at Sisa. Unahin natin si Elias, isang lalaking may matipunong pangangatawan, mahabang buhok at isang matapat na taong bayan. Nakilala siya ni Ibarra ng malagay ang kanyang buhay sa alanganin dahil sa pakikipaglaban sa malaking Buwaya na bumulaga sakanya. Iniligtas siya ni Ibarra at tinanaw ni Elias na utang niya ang kanyang buhay kay Ibarra kaya naging matapat siya rito at ibinuwis ang sariling buhay para lang mailigtas ang buhay ni Ibarra sa mga manunugis. Tumungo naman tayo kay Maria Clara at Sisa bagamat hindi pa namin tapos pag aralan ang buhay nila ay tinalakay naman namin ang kanilang mga katangian at pagkakaiba.