Saturday, February 28, 2015

   Sa Linggong ito ay naging abala ang karamihan sa aking mga kaklase, halos iilan nalang kami sa aming silid aralan pero hindi kami nag paantig at tinuloy parin namin ang aming talakayan. Mas pinalawak namin ang aming kaalaman tungkol sa tanong na "Biktima nga ba ng pagkakataon si Crisostomo Ibarra?" para sa akin siya ay biktima ng pagkakataon dahil nag simula lamang ito sa inggit ni Padre Damaso sa ama ni Ibarra na si Don Rafael at patuloy parin niyang pinahihirapan ang anak nitong si Ibarra, Hinahadlangan ni Padre Damaso ang mga hangarin ni Ibarra at inilalagay ito sa kapahamakan. Mula sa mga Pag papahirap ni Padre Damaso ay patunay itong si Ibarra ay Biktima ng pagkakataon dahil siya ang anak ni Don Rafael na kinaiinggitan ni Padre Damaso at kung Hindi siya anak ni Don Rafael ay hindi ito gagawin sakanya ni Padre Damaso. Matapos ang pagpapatunay na si Ibarra ay biktima ng pagkakataon ay nagsagawa kami ng isang "Mock Trial" Kung saan ay lilitisin namin si Ibarra at Elias. Tumayong Ibarra si Janjuai at kabilang grupo naman ay Tumayong Elias si Mark M. Ang paglilitis ay umikot lamang sa tanong kung tama ba ang ginawang pagtakas ni Ibarra at Elias gayundin namang may mga bagay sila na dapat harapin. Naging kasiya-siya ang aming aktibidad at mas nalinawan kami sa mga pangyayaring iyon at ang dahilan nito. at bago magtapos ang Linggong ito ay nagkaroon kami ng pag susulit tungkol sa aming mga pinag aralan binigyan din kami ng takdang aralin kung saan ay gagawan namin ng Buod ang mga kabanatang ibinigay ng aming Guro.

Friday, February 20, 2015

 Isang Linggo nanaman ang lumipas at tila parang kailan lang. Ngayong linggo ay tianalakay namin ang mga kabanatang may kaugnayan kay Ibarra sa iba't ibang aspeto. Bawat pangkat ay nag ulat ng naatas sa kanilang gawain. Si Crisostomo Ibarra ay isang mangingibig na hindi pinalad na makasama ang kanyang iniirog dahil sa mga pagsubok na nagpahirap sakanya at nag lagay sa kanya sa alanganin. At isa rin siyang mabuting anak na walang ninais para sakanya sa halip ay mas pinili nya pang ipagtanggol ang kanyang bayan at di lang yan, ninais iyang ipagpatuloy ang mga magagandang bagay na sinimulan ng kanayang ama na si Don Rafael katulad ng makapagpatayo ng paaralan sa bayan ng San Diego. Bilang pagtatapos ng Linggong ito ay nagbigay ang aming guro ng Takdang aralin.

Saturday, February 14, 2015

  Ngayong Linggo, ang bawat pangkat ay nag presenta ng kanilang masining na pag papaliwanag ng bawat kabanatang inaatas sa kanila ng aming guro. At  sa bawat pagtatapos ng aming klase sa asignaturang Filipino ay nag bibigay ng takdang aralin ang aming guro kung saan isusulat namin sa isang buong papel ang bawat kabanata na may kaugnayan kay Crisostomo Ibarra at kung bakit ito mahalaga. Natapos namin sa isang Linggo ang bawat kabanatang naitas sa amin. At pagdating ng biyernes, dahil kinabukasan na ang araw ng mga puso ay gumawa kami ng isang tula para isang tao na nais naming pagbigayan ng tula ngayong araw ng mga puso. Dahil nga sa aming gianawa nitong nakaraang biyernes ay ipinagpamartes nalamang ang aming pagsusulit kung kaya't inatasan din kaming mag balik aral sa mga huling Tinalakay at maghanda sa pagsusulit.

Friday, February 6, 2015

 Sinimulan namin ang Linggong ito sa pagpepresenta ng mga tauhan ng nobelang Noli Me Tangere gamit ang tinatawag na "Parade of Characters". Dito, Kinakailangan na ang bawat isang miyembro ng Pangkat ay nararapat na pumili ng isang tauhan sa naturang nobela at kanilang ippresenta ito sa pang gagaya ng Linya ni to at pagpapakilala. Matapos ang aming Parade of Characters ay nag bigay ang aming guro ng kaniyang opinyon at binati ang mga mag aaral ng may magandang ipinakita.

 Inatasan ng aming guro ang bawat  pangkat na magkaroon ng pag uulat tungkol sa mga kabanatang may koneksiyon sa Tauhan ng Nobela. At kanina lang ay natapos na ang unang pangkat na iniulat ang mga Kabanatang I II III IV V VII IX at X. Nag bigay din si Maam ng mas Malinaw na paliwanag sa iniulat ng pangkat Isa.