Friday, January 30, 2015

  Sa Linggong ito ay nag pokus ang aming talakayan sa mga tauhan ng Noli Me Tangere.  Tinalakay namin ang Pangunahing tauhan na sila Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Padre Damaso, Elias at iba pa. Tinalakay din namin kung sino ang kinakatawan ng bawat tauhan sa Nobela sa buhay ni Rizal. Halimbawa si Crisostomo ay kinatawan ang pagkatao ni Jose P. Rizal dahil base sa Ginagaw ni Crisostomo sa akda ay sya ring ginagawa ni Rizal sa kanyang buhay at pareho nilang ninanais ang pagkalaya ng mga kababayan nila sa kamay ng mga Kastila. Isang pang halimbawa ay si Leonor Revera na kinatawan sa akda ni Maria Clara ang kanilang pag kakapareho ay sakanilang katangian at ang pilit na pagpapakasal sakanila sa ibang lalaki ngunit si Maria Clara ay mas ninais na mag madre dahil sa sobrang kalungkutan niya sa balitang dumating sakanya. Para sa aming takdang  aralin ay inatasan kaming basahin ang mga kabanatang may kaugnayan sa tauhan ng Noli Me Tangere.

Friday, January 16, 2015

  Sa unang Linggo ng ikaapat na markahan ay ipinaalam ni Gng. Mixto ang mga mangyayari ngayong markahan kagaya ng magiging produkto namin at ang magiging ikot ng aming pag aaralan. Magiging pokus kami sa nobelang ginawa ni Gat Jose P. Rizal, Ito ay ang Noli Me Tangere na ngangahulagang sa tagalog na "Huwag mo akong salingin". sa aking pagkakaalam ang Nobelang ito ay tumatalakay sa buhay ni Crisostomo Ibarra na matapos makapag aral sa Europa ay nagbalik upang tulungan ang kaniyang mga kababayan. Bago matapos ang Linggong ito ay nagkaroon kami ng unang pagtataya upang masukat ang aming kaalaman ukol sa aming pag aaralan.